Tuesday, March 6, 2012

Love: looking through a different view

Ganito pala ang feeling, When your'e really in love. Back then, I always thought that love is all happiness, all laughter, that when your'e in love, the world will be much brighter, more colorful.

But I guess I'm wrong.

I always pray. Every time I have an opportunity to talk to Him, I always do. Lagi ko tinatanong si God, bakit kailangan nya pa iparamdam sa akin na masaktan dahil sa pagmamahal, Dahil ba may ginawa akong mali dati na gusto nyang iparamdam sakin kung gaano kasakit yung mapunta sa ganon na sitwasyon? Or Is it because I haven't learned the lesson that's why I keep going and going back to the same scenario? Isn't it enough that I realized what I have done wrong, that I learn from the mistakes my friends did when it comes to love?

Tapos, dun ko narealize... baka hindi naman yun yung lesson na gusto ni God na matutunan ko. It might be something else. Something out of the box.

He does not want me to learn from hurting much, He does not want me to realize how hurtful things are so I won't do such things, He does not want me to realize all the mistakes I have done in the past. He wants me to know what love means. Despite of all the hurting, he wants me to know what love is capable of. He wants me to know how to find love when my eyes can only see just hatred, pain and suffering.

Ang puso tumitibok lang yan, nag su-supply ng dugo sa ibat ibang parte ng katawan, walang kinalaman sa kung anu man ang nararamdaman ng tao. utak. utak ang nagdidikta nito. Tama na we fall in love, and we don't choose who to fall in love with. Our choice is when to let ourselves fall in love. So sa huli utak parin ang may sala. Tayo pa din ang nag dedecide.

Unconditional love. A love that's not asking anything in return.

Minsan nagmahal ako. Sa isang tao na hindi ko aakalain na mamahalin ko... Matagal tagal ko din nilabanan ang sinasabi ng utak ko,.

"Hindi pagmamahal yan, lagi lang kayo magkasama kaya ganyan nararamdaman mo"

"Sa kanya mo lang kasi nakukuha yung affection na hindi maibigay sayo nung taong nang-iwan sayo"

"Baliw ka na. Bulag ka pa. OK ka lang ba? masama na ang tama mo dude"

Until, Inamin ko na sa sarili ko na, Shit! iba na to. Pero natakot ako, ayaw ko na masaktan ulit eh. 3 months palang nakakalipas, naalala ko pa kung paano ako nagpaka wasted dahil sa letseng pagmamahal na yan. Pero anong magagawa ko? andyan na eh. kaya mo pa bang pigilan?

Pero anong nangyare? I got the best situation ever sa buong buhay ko. It did not turn out good. kasi may ka-relationship sya. They really love each other at masaya talaga sila sa feeling ng isa't isa. Taena, masakit pala marinig yun lalo na kung alam mong hindi ikaw ang nakakapag pasaya sa kanya. Nung una, I was really challenged, Hindi ko inisip na hanggang dun nalang yun... Mahal ko eh, syempre ipaglalaban ko yun. until one good friend told me:

"Masaya ka ba sa ginagawa mo? Mahal nila ang isa't isa oh, Paano kung sayo mangyari yun? masaya kayo, tapos may biglang aagaw sa taong gusto mo? anong mararamdaman mo?"

Oo nga, may point sya. Kahit na mahal na mahal ko na yung taong yun, magiging masaya ba ako kung malaman ko na may nasaktan ako kung naging kami? hindi rin siguro. saka bukod dun, kaibigan ko yun eh. Matutuwa ba ako kung makita ko syang malungkot o magkaaway sila dahil sakin? Lalong hindi.

Dun ko naintindihan ang isang side ng pag-ibig. Being unselfish. Siguro for the longest time naging selfish ako, iniisip ko lang kung anong gusto ko at hindi ko narerealize na kailangan ko din I-consider ang feelings ng iba. Kung masaya naman sila and walang problema let them be... Be happy for them. At least masaya sya, Maging masaya ka nalang na masaya siya.

"Dati, I always ask God na Ibigay ka sa akin, kasi mahal kita. Pero ngayon, I always ask God na Ibigay sayo kung ano ang makapag papasaya sayo... kahit ang ibig sabihin nun hindi ako ang ibibigay nya... for the same reason, kasi mahal kita."



Thursday, March 1, 2012

Eto ang gusto ko (This is what I love)




"Minsan, kailangan mo tumigil para malaman mo kung gaano na kalayo ang narating mo. Para alam mo rin kung kailangan mo bang lumiko pabalik o magpatuloy..."

Pero medyo sentimental ako pagdating sa mga bagay na gusto ko. Pag gusto ko ang ginagawa ko, binibigyan ko yon ng panahon. Oras. at ng A for effort. Pero minsan, hindi natin alam na sa sobra nating pagkagusto sa isang bagay, nahihirapan na tayo na ihiwalay ang pagka gusto at pagka humaling. Obsession ika nga.

Ganun kasi ako, when I value something, kahit na hobby, interest and even people... Sinisigurado ko na it's well emphasized.

Hindi ko masyado iniisip kung may makukuha ba ako in the long run, or I would just go ahead and waste my time. lagi ko kasi iniisip na "at least, I did my best. No what ifs, no Regrets". Kasi, hindi ko na mababalikan yung mga bagay na yon. pag pinalampas mo, baka hindi ka na magkaroon ng second chance.

Marami na akong pinakawalan na opportunities before, mga bagay na may what ifs pa din ako until now. Mga decisions na irreversible. Like when I was back in highschool, kailangan ko mag-decide what course to take.

Fine Arts? Computer Science? Biology? Nursing? Architecture?

Marami talaga ang pumasok sa isip ko nun, pero it all boils down to two options: Nursing and Fine Arts. Fine arts kasi yun ang hilig ko, mag drawing, sketching and anything that involves art. Creative is a word that's all over me. Masaya ako na kayang gawin ng mga kamay ko ang kung anong nasa isip ko. With proper education, I believe malayo ang mararating ng talent ko. Pero kailangan ko ba talaga pag-aralan ang isang bagay na alam ko nang gawin? Bagay na alam kong mas may edge ako sa iba? That's why I took Nursing. Anyway, Nursing is an art sabi nga nila. :)

Nakakatuwa isipin at balikan. Paano kaya kung nag Fine arts ako? ano na kaya ang ginagawa ko ngayon? Nagkaroon na kaya ako ng sarili kong exhibit? Ilang paintings na kaya ang naibenta ko?
International Artist na rin kaya ako? Magkakaroon rin kaya ako ng controversial paintings na pwede na i-exhibit sa CCP?

Pero kahit na maraming tanong ang nasa isip ko na hindi ko man mabigyan ng kasagutan, I always tell myself:

  • Kung ibang choices ang pinili ko sa buhay, hindi ko makikila ang mga college friends ko malamang.
  • Hindi ko malalaman kung gaano ka toxic ang buhay ng isang nurse.
  • Hindi ko malalaman na pwede palang uminom ng anti-allergy meds to induce sleep. :))
  • Hindi ko ma-eexperience magpa-anak ng limang buntis sa loob ng isang gabi.
  • Malamang hindi ko nakilala ang mga kaibigan ko ngayon sa trabaho.
  • Malamang hindi rin ako nagsusulat ng blog entry ngayon. ♥
Kaya whatever I do, sini-sugurado ko ngayon na I clearly express that I love what I'm doing. Para walang pagsisi sa huli, at least magsisi man ako, alam ko na yun ang pinili ko, hindi dahil yun ang gusto ng kung sino man.

Oo, may ginagawa ako ngayon na nakakapagpasaya sa akin, may patutunguhan ba ito? Ewan ko at kung wala man, walang sino man ang may karapatan pumigil sa akin. Yun ang gusto ko, at yun ang gagawin ko, dahil dun ako masaya. Walang pakialamanan, kanya kanyang trip lang yan.

Gets?