
Pero medyo sentimental ako pagdating sa mga bagay na gusto ko. Pag gusto ko ang ginagawa ko, binibigyan ko yon ng panahon. Oras. at ng A for effort. Pero minsan, hindi natin alam na sa sobra nating pagkagusto sa isang bagay, nahihirapan na tayo na ihiwalay ang pagka gusto at pagka humaling. Obsession ika nga.
Ganun kasi ako, when I value something, kahit na hobby, interest and even people... Sinisigurado ko na it's well emphasized.
Hindi ko masyado iniisip kung may makukuha ba ako in the long run, or I would just go ahead and waste my time. lagi ko kasi iniisip na "at least, I did my best. No what ifs, no Regrets". Kasi, hindi ko na mababalikan yung mga bagay na yon. pag pinalampas mo, baka hindi ka na magkaroon ng second chance.
Marami na akong pinakawalan na opportunities before, mga bagay na may what ifs pa din ako until now. Mga decisions na irreversible. Like when I was back in highschool, kailangan ko mag-decide what course to take.
Fine Arts? Computer Science? Biology? Nursing? Architecture?
Marami talaga ang pumasok sa isip ko nun, pero it all boils down to two options: Nursing and Fine Arts. Fine arts kasi yun ang hilig ko, mag drawing, sketching and anything that involves art. Creative is a word that's all over me. Masaya ako na kayang gawin ng mga kamay ko ang kung anong nasa isip ko. With proper education, I believe malayo ang mararating ng talent ko. Pero kailangan ko ba talaga pag-aralan ang isang bagay na alam ko nang gawin? Bagay na alam kong mas may edge ako sa iba? That's why I took Nursing. Anyway, Nursing is an art sabi nga nila. :)
Nakakatuwa isipin at balikan. Paano kaya kung nag Fine arts ako? ano na kaya ang ginagawa ko ngayon? Nagkaroon na kaya ako ng sarili kong exhibit? Ilang paintings na kaya ang naibenta ko?
International Artist na rin kaya ako? Magkakaroon rin kaya ako ng controversial paintings na pwede na i-exhibit sa CCP?
Pero kahit na maraming tanong ang nasa isip ko na hindi ko man mabigyan ng kasagutan, I always tell myself:
- Kung ibang choices ang pinili ko sa buhay, hindi ko makikila ang mga college friends ko malamang.
- Hindi ko malalaman kung gaano ka toxic ang buhay ng isang nurse.
- Hindi ko malalaman na pwede palang uminom ng anti-allergy meds to induce sleep. :))
- Hindi ko ma-eexperience magpa-anak ng limang buntis sa loob ng isang gabi.
- Malamang hindi ko nakilala ang mga kaibigan ko ngayon sa trabaho.
- Malamang hindi rin ako nagsusulat ng blog entry ngayon. ♥
Kaya whatever I do, sini-sugurado ko ngayon na I clearly express that I love what I'm doing. Para walang pagsisi sa huli, at least magsisi man ako, alam ko na yun ang pinili ko, hindi dahil yun ang gusto ng kung sino man.
Oo, may ginagawa ako ngayon na nakakapagpasaya sa akin, may patutunguhan ba ito? Ewan ko at kung wala man, walang sino man ang may karapatan pumigil sa akin. Yun ang gusto ko, at yun ang gagawin ko, dahil dun ako masaya. Walang pakialamanan, kanya kanyang trip lang yan.
Gets?
No comments:
Post a Comment